franchise

Franchise ng Mislatel bilang 3rd major telco player, kailangang dumaan sa Kongreso

National News

IGINIIT ni Deputy Speaker Prospero Pichay na kailangan pang dumaan sa Kongreso ang franchise ng Mislatel Corporation.

Para maging 3rd major telecommunications player sa bansa.

Ayon kay Pichay, dapat dumaan sa Kongreso ang Mislatel kapag nagkaroon ng transfer of shares sa pagitan ng state owned China Telecom.

Sinabi ni Pichay na ang Kongreso ang mag aapruba kung papayagan na makapag may-ari ng mayorya sa mga shares ang China telecom.

Kumpara sa mga Filipino counterparts nito.

Susuriin din umano ng Kamara kung makukumpromiso ang national security sa pagpasok ng Mislatel sa telco industry.

Ang Mislatel ay binubuo ng China telecom, Chelsea logistics at ng Udenna corporation na pagmamay-ari ni Davao bussinessman Dennis Uy.

Wala pang pahayag ang Mislatel kung dudulog sa Kongreso para sa transfer of shares.

DWSI 864

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *