mahihirap na Pilipino

Mahihirap na Pilipino, humina ang tiwala sa korte ng Pilipinas

National News

HUMINA umano ang tiwala ang mahihirap na Pilipino sa korte sa Pilipinas.

Ito ayon kay Vice President Leni Robredo.

Matapos payagan ng Sandiganbayan si dating Unang Ginang at ngayo’y Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos na magpiyansa ng P150,000.

Para sa pansamantalang kalayaan kaugnay sa pitong bilang ng graft charges.

Sinabi ni Robredo na mas lalong nagpalakas sa pananaw ng mga Pilipino.

Aniya ay ang mga mayayaman at makapangyarihan lamang sa bansa ang pinapaboran ng katarungan.

Binigyang diin ng bise presidente na ang itinakdang bail ng anti-graft court ay mere pittance.

Kumpara sa bilyones na ninakaw umano ng Pamil­ya Marcos sa kaban ng bayan.

DWSI 864

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *