data services

Mas mabilis at mas murang singil sa data services, pangako ng Mislatel Consortium

National News

BIBILIS ang internet at bababa ang singil sa data services sa bansa.

Ito ang ipinangako ng Filipino-Chinese Consortium Mislatel.

Sa isang bilateral meeting ng Department of Information and Communications Technology (DICT), National Telecommunications Commission (NTC) at ng China Telecom.

Ginanap ito sa Quezon City, kaninang umaga.

Bababa ang data costs at bibilis ang internet sa pamamagitan ng mas murang broadband mula Hong Kong at U.S.

Dahil sa itatayong submarine cable landing station ng D.I.C.T. at China Telecom.

Sinabi ito ni Mislatel Spokesperson Adel Tamano.

Nilagdaan din kanina ng China Telecom ang letter of intent.

Para pag-aralan ang feasibility ng paggamit ng submarine cable landing station ng DICT.

Nilinaw naman ni Acting DICT Secretary Eliso Rio na maari ring gamitin ang submarine facilities ng iba pang telcos, hindi lamang ng Mislatel.

Present sa signing ceremony ng Mislatel bilang bagong major telco ang mga opisyal ng DICT.

Kabilang ang Davao-based businessman at Udenna Corporation Chairman Dennis Uy, China Telecom Chairman Yang Jie at iba pang opisyal ng Mislatel.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *