hatiin

Panukalang hatiin ang Palawan sa 3 probinsya, lusot na

Regional

APRUBADO na sa Senado ang panukalang-batas na naglalayong hatiin sa tatlong probinsiya ang Palawan.

Sa oras na maging batas ang panukala, mahahati sa tatlo ang pinakamalaking probinsiya sa bansa.

Kung saan magkakaroon na ng Palawan del Norte, Palawan Oriental, at Palawan del Sur.

Ang panukala ay nagmula sa House of Representatives at inisponsor ni Senator Sonny Angara sa Senado.

Si Angara ay chairman ng Senate Committee on Local Government.

Ayon kay Angara, isasagawa ang isang plebesito sa 2020 para makuha at ang upang pulsuhan ang opinyon ng mga mamamayan.

Kaugnay sa panukalang hatiin sa tatlo ang probinsiya ng Palawan.

Nangangamba naman si Senador Risa Hontiveros.

Aniya, magkaroon ng mas matatag na posisyon ang China sa West Philippine Sea kapag hinati sa tatlo ang Palawan.

Ani Hontiveros, malaki ang oportunidad ang China na mapasok at maimpluwensiyahan ang mas maliliit na local government units.

Kaysa sa isang malaking probinsiya.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *