Truck holiday

Truck holiday, walang masyadong epekto sa ekonomiya

National News

IGINIIT ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) na walang masyadong epekto sa ekonomiya ang anim na araw na truck holiday.

Ayon kay Sergio Ortiz-Luis Jr., hindi lumahok sa protesta ang malalaking truck groups.

Si Ortiz-Luis ay honorary chairman ng PCCI at acting president ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP).

Sinabi ni Ortiz-Luis na maraming trak ang Confederation of Truckers Association of the Philippines Incorporated (CTAP).

At Alliance of Concerned Truck Owners and Organizations (ACTOO) para mapunan ang mga kakulangan ng trak.

Dagdag nito, kung sumama sa truck holiday ang malalaking trucking companies ay magiging “economic sabotage” na ito.

Layunin ng truck holiday na iprotesta ang planong pag-phaseout sa mga lumang trak o labinlimang taong gulang o higit pa.

Bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan na matugunan ang port congestion.

DWSI 864

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *