E. coli outbreak

50 katao apektado ng E. coli outbreak sa US at Canada

International News

APEKTADO ang 32 katao mula sa U.S. at 18 katao mula sa Canada sa paglaganap ng E. coli outbreak.

Kungsaan ito ay nagsimula noong buwan ng Oktubre.

Nagbabala ang US Centers for Disease Control and Prevention o CDC na huwag kumain ng romaine lettuce.

Kungsaan ito ay iniuugnay sa nasabing outbreak.

Ayon sa CDC ang escherichia coli o E. coli ay isang uri ng bacteria

Ito ay matatagpuan sa pagkain o intestines ng tao at hayop.

May mga strains ng E. coli na hindi mapanganib ngunit ang iba ay nagdudulot ng sakit.

Tulad ng diarrhea, lagnat, abdominal cramps, pagkahilo at pagsusuka.

Nito lamang Hunyo 2018 ay nasa 200 katao ang apektado habang lima ang nasawi.

Mula sa 35 estado ng U.S. dahil sa E. coli outbreak mula sa romaine lettuce.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *