kawani ng pamahalaan

Dagdag na P25K cash incentives tatanggapin ng mga kawani ng pamahalaan

National News

MULING tatanggap ng bonus ang mga kawani ng pamahalaan bilang cash incentive.

Ito ang ibinahagi ni Budget Secretary Benjamin Diokno.

Gayunpaman ang mga qualified lamang ang makatatanggap ng hindi sosobra sa P25,000 cash incentives.

Ito ay mga ahensiya ng pamahalaan na nagkaroon ng malaking savings para sa taong ito.

Ang maaaring tumanggap ng cash incentives ay ang mga regular, contractual o casual positions na mga kawani ng pamahalaan.

Pasok din sa makakakuha ng cash incentives ang mga full time at part time na empleyado ng mga ahensiya ng pamahalaan.

Maging ang mga nasa state universities and colleges, government owned and controlled corporations, local water districts at local government units.

Simula December 15 ang pag-release ng hindi sosobra sa P25,000 na cash incentives sa ilalim ng collective negotiation agreement.

Ayon sa Department of Budget Management ang nasabing sistema ay upang hikayatin ang mga ahensiya ng pamahalaan na magtipid.

At paghusayin ang kanilang sistema sa paggastos.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *