bilateral agreements

Transparency sa bilateral agreements ng Pilipinas at China, pinanawagan

National News

NANAWAGAN si Vice President Leni Robredo sa Administrasyong Duterte na maging transparent sa lahat ng bilateral agreements.

Kungsaan ang mga ito ay pinirmahan ng Pilipinas at China kahapon.

Sinabi ni Robredo na marapat lamang na ipaalam sa taumbayan kung paano makikinabang ang bansa sa mga kasunduan.

Gaya ng memorandum of understanding (MOU) sa belt at road initiative at MOU sa kooperasyon sa oil at gas development.

Giit ng bise presidente, makaaapekto sa araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan.

Hindi lamang sa ilalim ng administrasyon kundi maging sa mga susunod na taon.

Kaugnay ito ng mga dokumentong nilagdaan ng dalawang bansa sa kasagsagan ng state visit ni Chinese President Xi Jinping.

Hinimok din ni Robredo ang administrasyon na manindigan at gawin ang lahat ng diplomatikong paraan.

Para igiit ang soberanya ng bansa sa West Philippine Sea.

Hindi aniya dapat malagay sa kompromiso ang soberanya ng Pilipinas ng anumang kasunduan sa ibang bansa.

Bagaman ikinatuwa ni Robredo ang pagkakaibigan ng China at PILIPINAS ay hindi dapat maisantabi ang interes ng sambayanan.

Dahil ito aniya ang dapat na mauna sa pagpapabuti ng relasyon sa ibang bansa.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *