Bagyong Samuel

Bagyong Samuel, nag-iwan ng isang patay

Regional

ISA ang kumpirmadong patay sa pananalasa ng Bagyong Samuel.

Tinangay ng malakas na alon ang lalaking biktima habang tumatawid ng ilog sa Barangay Magsaysay sa Palapag, Northern Samar.

Ayon ito sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO).

Habang wala namang naitalang nawawala o nasugatan sa lalawigan.

Samantala, pinag-aaralan na ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council ang pagdedeklara ng state of calamity sa Eastern Samar.

Bunsod ng matinding pagbahang dinulot ng Bagyong Samuel.

Mahigit 30 barangay sa Dolores, Eastern Samar ang nalubog sa baha bunsod ng walang-humpay na ulang dala ng bagyo.

Binaha rin ang mga barangay sa mga bayan ng Can-Avid, Oras, at Jipapad.

Bukod sa Eastern Samar, binaha rin ang Northern Samar.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *