military exercises

US at SoKor military exercise, binago

International News

BINAGO ng U.S. at South Korea ang level ng kanilang military exercises para sa taong 2019.

Ito ay sa paraang hindi makakaalarma sa North Korea.

Upang hindi rin umano makasagabal sa relasyon at planong denuclearization ng U.S. sa NoKor.

Sa loob ng maraming taon ay magkasamang nagsasanay at nagsasagawa ng military exercises ang U.S. at SoKor.

Kung saan ang ilan sa mga ito ay paghahanda laban sa North Korea.

Subalit itinigil ng dalawang bansa ang ilang joint military exercises ngayong taon.

Matapos bumuti ang relasyon ng Amerika at NoKor.

Trisha Molina

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *