pwersa

Dagdag pwersa ng mga sundalo at pulis sa 4 probinsya, ipinag-utos

National News

IPINAG-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dagdag na pwersa ng mga sundalo at pulis sa apat na probinsiya.

Kabilang dito ang Bicol Region, Samar, Negros Oriental at Negros Occidental.

Sa Memorandum Order No. 32, inatasan ang Department of National Defense (DND) na makipag-ugnayan sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Para sa agarang pagpapadala ng dagdag na pwersa ng AFP at PNP sa apat na probinsya.

Ito ay para supilin ang sinasabing ‘lawless violence’ at umano’y terror act sa nasabing mga probinsya.

Nakasaad din sa memorandum na inaatasan ng pangulo ang AFP, PNP at DOJ na makipag-ugnayan sa iba pang law enforcement agency.

Katuwang ang intelligence community para palakasin ang local at transnational intelligence operations.

Laban sa mga hinihinalang grupo o indibidwal na nasa likod ng mga karahasan sa bansa.

Maging ang agarang pag-imbestiga at pagpataw ng parusa sa mga mapatutunayang gumawa ng karahasan.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *