kompromiso

DOE, tiniyak na walang mako-kompromiso sa oil at gas cooperation

National News

TINIYAK ng isang opisyal ng Department of Energy (DOE) na hindi malalagay sa kompromiso ang kahit isang sentimetro ng soberanya ng bansa.

Ito ay kaugnay sa memoradum of understanding (MOU) sa oil at gas cooperation sa pagitan ng Pilipinas at China.

Sinabi ni Energy Undersecretary Donato Marcos na hindi rin makokompromiso ang karapatan ng mga Filipino dahil sa MOU.

Nilinaw din ni Marcos na kooperasyon ang panagawan ng nilagdaang MOU ng dalawang bansa.

Ito’y noong bumisita sa bansa si Chinese President Xi Jinping at hindi pa ito isang kontrata.

Dagdag nito, babalangkasin pa lamang ang pinaka-framework ng kasunduan at wala pa itong partikular na probisyon.

Una na ring sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na ang pinirmahan ng China at Pilipinas ay MOU lamang sa kooperasyon.

Kaugnay sa paghahanap ng mga paraan kung paano ma-e-explore ang resources sa West Philippine Sea.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *