Sokol helicopters

Sokol helicopters ng PAF, hindi muna papayagang sumahimpapawid

National News

GROUNDED muna o hindi papayagang sumahimpapawid ang lahat ng anim na Sokol helicopters ng Philippine Airforce.

Ito ay matapos bumagsak ang isang helicopter nito sa isang bangin sa Crow Valley Military Reservation.

Matatagpuan ito sa bayan ng Capas, Tarlac pasado alas-dos ng hapon kahapon.

Ayon kay Philippine Airforce Spokesperson Major Aristides Galang, precautionary measure lang ito habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Tinayak naman ni AFP spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo na nasa maayos na ang kalagayan ang mga nasugatan.

Kabilang dito ay sina COOP-NATCCO Representative Anthony Bravo at House of Representative Secretary-General Atty. Ceasar Pareja.

Nabalian naman ng braso ang isang crew habang nagkaroon ng head injury ang piloto.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *