Korean prosecutors

Ilang Korean prosecutors, bumisita sa Department of Justice

National News

BUMISITA ang ilang Korean prosecutors sa Department of Justice (DOJ) ngayong araw.

Mismong si Justice Secretary Menardo Guevarra ang nagkumpirma ng pakikipagpulong sa ilang miyembro ng prosekusyon ng gobyerno ng South Korean.

Ayon kay Guevarra, nag-alok ang mga ito ng training assistance sa mga DOJ prosecutors kaugnay ng cybercrime at digital forensics.

Ani Guevarra, ang alok ay napapanahon din dahil inilalatag ngayon ng DOJ ang training system.

Para sa kanilang mga piskal kung saan bubuhayin muli ang National Prosecution Service Academy sa Clark.

Samantala, sinabi ni Guevara na hindi naman napag-usapan sa pulong ang kaso ng napatay na South Korean national na si Jee Ick-Joo.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *