Palawan City

Mga mangingisda sa Palawan City, magkakaroon ng fishing training

Regional

NAKATAKDA namang dumaan sa aquaculture training ang 40 bangus famers sa Palawan City ngayong darating November 27 at 28.

Layunin ng dalawang araw na programa ay para mas lumawak pa ang kaalaman ng mga mangingisda sa pagpapadami ng seafood sa bansa.

Ito ay inihanda ng Office of the Provincial Agriculturist.

Naniniwala ang lokal na pamahalaan ng Palawan na malaki ang potensyal ng paglago ng bangus sa kanilang lugar.

Kung mapag-aaralan lamang ng mga mangingisda ang tamang paraan ng pag-aalaga dito.

Nakikita din nila na kung lalaki ang produksyon ng bangus sa lugar ay magiging solusyon ito para makatulong din sa lumalaking populasyon ng lugar.

Ang dalawang araw na training para sa mga mangingisda ay pangangasiwaan nga mga resource person mula sa Department of Agriculture’s Agricultural Training Institute.

Sa pakikipagtulungan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at ng Southeast Asian Fisheries Development Center.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *