industrial park

Pagpapatayo ng industrial park ng China, purely business

National News

TINIYAK ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na purely business lang ang pagtatayo ng industrial park ng China.

Itatayo ito sa dating US Air Force Base sa Clark na kasalukuyang base ng Philippine Air Force (PAF).

Sinabi ni Lorenzana na walang dahilan para magkaroon ng isyu lalo na sa seguridad.

Dahil ang pinag-uusapan lamang dito ay negosyo na magdadala ng maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Ayon kay Lorenzana, mga negosyanteng Chinese lamang ang tutungo sa Clark at hindi mga Chinese military.

Ang New Clark City ay magiging bahagi ng Clark Freeport and Special Economic Zone.

Kung saan sakop nito ang Angeles City, Mabalacat at Porac sa Pampanga.

At sa Tarlac naman ay ang Capas at Bamban.

Ang China Gezhouba Group ay pumirma ng Memorandum of Understanding (MOU) na nagkakahalaga ng $2B o nasa P105.2 bilyon.

Para ito sa pag-construct ng industrial park sa Clark.

Ang nasabing MOU ay nilagdaan ni Chinese President Xi Jinping nang bumisita ito sa bansa nuong nakaraang linggo.

At kabilang ito sa 29 bilateral agreements na pinirmahan ng Pilipinas at China.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *