magpapatupad ng Martial Law

Pangulong Duterte tiniyak na hindi magpapatupad ng Martial Law

National News

TINIYAK ni Pangulong Duterte na hindi siya magpapatupad ng Martial Law sa buong bansa.

Kasunod ito ng nalalapit na pagtatapos ng ipinatutupad na Martial Law sa Mindanao sa katapusan ng Disyembre.

Sinabi ng pangulo na wala siyang plano na magdeklara ng Nationwide Martial law.

Inihayag niya ito sa kaniyang talumpati sa 35th Founding Anniversary ng Philippine Army Reserve command.

Na ginanap sa Camp Ge­neral Mariano Riego de Dios sa Tanza, Cavite.

Muling iginiit pa ng pangulo na wala itong balak na palawigin pa ang kaniyang termino.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *