Pag-amyenda sa Anti-Wiretapping Law aprubado na sa huling pagbasa

National News

APRUBADO na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang amyenda sa Anti-Wiretapping Law o ang Republic Act 4200.

Nakasaad sa House Bill 8378, mas marami na ang krimen na maaaring maisailalim sa wiretapping dahil maisasama sa itinatakdang exemption.

Sa ilalim ng panukala, maaaring isama sa wiretapping ang mabibigat na krimen.

Kagaya ng kudeta, robbery in band, anti-piracy at anti-highway robbery law at ang pag­labag sa comprehensive dangerous drugs law.

Maaari rin isailalim sa wiretapping ang mga tiwali sa gobyerno, mga sangkot sa money laundering at syndicated illegal recruitment.

Binibigyang diin sa panukala na kailangang may court order para maisagawa ito ng mga otoridad.

Sa kasaluku­yang batas, pinapayagan lamang ang wiretapping sa mga kasong may kaugna­yan sa seguridad ng bansa.

Kabilang na ang treason, espionage, panunulsol sa giyera, rebelyon at terorismo.

DWSI864

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *