Paglobo ng bilang

Paglobo ng bilang ng Chinese workers sa bansa, pinaiimbestigahan

Business National News

PINAIIMBESTIGAHAN ng Malakanyang sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang paglobo ng bilang ng Chinese workers sa bansa.

Hindi makatwirang mas mabibigyan pa ng trabaho ang mga dayuhan kaysa sa maraming Pilipino na walang trabaho.

Sinabi ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Tinukoy ng Malakanyang ang pagdami ng bilang ng mga Chinese sa bansa.

Nagtatrabaho karamihan ang mga ito sa mga online casino at sector ng konstruksyon.

Ayon kay Panelo, hindi papayag ang Malacańang na mapunta pa sa mga dayuhan ang trabahong dapat ay maibigay sa kapwa Pilipino.

Sang-ayon naman ang Malakanyang sa plano ng Senado.

Kungsaan ay paimbestigahan ang pagdayo ng libu-libong Chinese nationals sa Pilipinas.

Para makagawa ng batas na papabor sa mga manggagawang Pinoy.

DWSI864

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *