BOC at PDEA, muling nagkainitan sa Kamara

National News

MULING nagbanggaan ang Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). (nagkainitan)

Kaugnay sa isinagawang re-scanning sa mga magnetic lifters na naglaman ng bulto-bultong shabu.

Sa pagdinig ng House Dangerous Drugs Committee, nasita ng ilang kongresista si Customs X-ray Inspector John Mar Morales.

Dahil isinagawa raw nito ang re-scanning kasama ang ilang ahensya ng pamahalaan nang walang koordinasyon sa PDEA.

Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng komite, nagkaroon na ng pagbabago sa mga magnetic lifters na isinailalim sa re-scanning.

Ito’y matapos sabihin ni PDEA Dir. Adrian Alvarinio na hindi binalot sa lead ang dalawang magnetic lifters na isinailalim sa re-scanning.

Aniya ay hindi ito gaya ng unang natuklasan ito sa Manila International Container Port.

Sinabi ni Barbers na hindi ito katanggap-tanggap dahil salungat ito sa aktwal na nangyari.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *