Australia

Flashflood at wildfire, magkasabay na naganap sa Australia

International News

MAHIGIT 10,000 libo katao ang pinalikas sa Northeast Australia kabilang na ang Queensland.

Ito’y matapos masunog sa wildfire ang ilang kabahayan.

Itinaas na ng Bureau of Meteorology sa catastrophic o pinakamapanganib na antas ang fire level sa buong rehiyon.

Kungsaan ito ay pinakaunang nangyari sa kasaysayan ng Queensland.

Mahigit 100 bushfires ang sabay-sabay na nagliliyab.

Habang tinatayang tatagal pa hanggang sa susunod na linggo bago tuluyang maapula ang apoy.

Kasabay nito ay tinamaan ng isang malakas na bagyo ang Sydney, Australia.

Kungsaan ay ikinasawi ito ng dalawa katao habang nasa 8,000 katao ang walang kuryente.

Inihambing naman ang dalang ulan ng bagyo sa mahigit isang buwan na pag-uulan na bumuhos sa loob lamang ng dalawang oras.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *