FIBA

Gilas Pilipinas, handa na sa FIBA World Cup Asian Qualifier

Sports

HANDANG handa na ang Gilas Pilipinas sa kanilang paghaharap ng Kazakhstan sa 5th Window ng FIBA World Cup Asian qualifier, bukas.

Inaasahan na rin ang mainit na sagupaan ng dalawang koponan lalo pa’t nakahanda na ang PBA giants.

Kabilang sina June Mar Fajardo, Greg Slaughter, Japeth Aguilar at Poy Erram para depensahan ang Gilas.

Tutulong din sa national team Si Stanley Pringle bilang naturalized player kasama pa sina Gabe Norwood at Beau Belga.

Pagtutulungan naman nina La Tenorio, Scottie Thompson at Alex Cabagnot ang point guard duties.

At magiging kaagapay din sa game sina Matthew Wright at Marcio Lassiter.

Gaganapin bukas ng alas-7:30 ng gabi ang labanang Gilas at Kazakhstan sa Mall of Asia Arena.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *