guilty verdict

PNP, iginagalang ang guilty verdict sa 3 pulis sa Kian slay

National News

NIRERESPETO ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang desisyon ng Caloocan Court sa guilty verdict sa tatlong pulis.

Sangkot ang mga ito sa pagpatay kay Kian Delos Santos.

Sinabing ang desisyon ng korte ay patunay lamang na gumagana ang judicial system sa bansa.

Ayon ito sa pahayag ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na binasa ni PNP Spokesperson Chief Superintendent Benigno Durana Jr.

Handa rin aniya ang PNP na tumulong para matiyak na maisilbi ang hustisya sa lahat.

Ayon kay Durana, sa ngayon ay bukas naman ang legal remedies.

Hindi lamang para sa tatlong pulis kundi para rin sa pamilya ng biktima.

Sinabi ni Durana na magsisilbing paalala ang nasabing kaso sa lahat ng mga pulis na maging maingat sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

At pagsunod sa batas habang pinagsisilbihan at pinoprotektahan ang mga mamamayan ng bansa.

Tinitiyak naman ng opisyal na hindi titigil ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga.

Dahil lamang sa naging hatol sa mga pulis.

Samantala, iginiit ng PNP na murder at hindi extrajudicial killings ang kaso ng pagkamatay ni Kian.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *