Agusan del Norte

Vice Mayor sa Agusan del Norte inaresto dahil sa shabu

Regional

Arestado ang bise-alkalde ng Jabonga, Agusan del Norte matapos mahulihan ng animnapung gramo ng hinihinalang shabu.

Kinilala ang suspek na si Vice Mayor Glicerio Monton na itinuturing umano na isang “high-value target” ng pulisya.

Inaresto si Monton ng pinagsanib-pwersa ng Agusan del Norte Police at Philippine Drug Enforcement Agency.

Nangyari ito sa kanyang bahay sa Barangay Poblacion ng nasabing lalawigan.

Ayon ito kay Chief Superintendent Gilbert Cruz, hepe ng PNP Region 13,

Tinatayang nagkakahalaga ng P700, 000 ang nakumpiskang iligal na droga sa suspek.

Samantala, tatlo naman ang naaresto kabilang ang isang kandidato sa pagka-bise alkalde sa rosario, Agusan del Sur.

Matapos mahulihan ng matataas na kalibre ng baril.

Maliban sa mga baril, narekober sa mga ito ang mga bala ng matataas na uri ng baril, blasting caps at sangkap sa pampasabog.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *