gun ban exemption

Gun ban exemption application, nagsimula na

National News

NAGSIMULA na ang Commission on Elections (Comelec) na tumanggsap ng application para sa gun ban exemption.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, maari nang maghain ng kanilang certificate of authority ang mga gun owner.

Matatagpuan sa opisina ng Committee on the Ban on Firearms and Security Personnel sa Comelec main office sa Intramuros, Manila.

Sinabi ni Jimenez na magsisimula ang gun ban sa Enero 13 hanggang Hunyo 12 para sa May 2019 elections.

Base sa Comelec Resolution No. 10446, pinapayagan ng batas ang isang tao na magdala ng armas dahil sa kaniyang posisyon o estado sa buhay.

At mga sirkumstansya na kailangan talagang magdala ng armas bilang proteksyon sa sarili.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *