energy resources

DOE, nais linangin ang indigenous energy resources ng bansa

National News

NAIS ng Department of Energy (DOE) na linangin ang indigenous energy resources ng bansa.

Para labanan ang pabago-bagong presyo ng langis sa world market.

Ayon kay Energy Undersecretary Felix William Fuentebella ay binubuo ng indigenous resource ang 51% ng energy supply sa bansa.

Habang 49% nito ay binubuo naman ng imported coal, oil, at biofuels.

Kamakailan lamang ay inilunsad ng departamento ang Philippine Conventional Energy Contracting Program (PCECP).

May layunin itong galugarin ang ilang lugar sa bansa na may potential oil at energy resources.

Ang pagpapaunlad sa energy resources ng Pilipinas ay daan upang makamtan ng bansa ang seguridad at kasarinlan sa enerhiya.

Ito ang sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

Kinakailangan ng bansa ang karagdagang 43,765 megawatts bago ang taong 2040 para makasabay sa lumalagong ekonomiya.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *