hindi pa gumamit

Palasyo, dumipensa sa marijuana joke ni Pangulong Duterte (hindi pa gumamit)

National News

HINDI pa gumamit ng marijuana si Pangulong Rodrigo Duterte sa buong buhay nito. (hindi pa gumamit)

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kasunod ng pagbibiro ng pangulo.

Ayon sa pangulo na gumamit siya ng marijuana para manatiling gising sa sunod-sunod na pulong sa Asean Summit noon sa Singapore.

Ayon kay Panelo, kahit sino ay maaring magbiro maging ang pangulo.

Ang isang biro aniya nito ay hindi nangangahulugan na isang masamang lider ang pangulo.

Iginiit pa ng kalihim na kapag tumawa ang audience ay ibig sabihin at nagbibiro lamang si Pangulong Duterte.

Aniya, gamitin na lamang ng mga nakikinig sa talumpati ng pangulo ang common sense para malaman kung nagbibiro ito o hindi.

Una nang sinabi ni Pang. Duterte na biro lamang ang kanyang binitawan na pahayag kaugnay sa marijuana.

Samantala, sinabi ni Panelo na pabor ang pangulo na gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang panggamot.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *