panukala

Panukala na palawigin pa ang Martial Law sa Mindanao, kukuwestyunin

National News

KUKUWESTYUNIN ni Albay Representative Edcel Lagman sa Supreme Court ang anumang opisyal na panukala na palawigin pa ang Martial Law sa Mindanao.

Giit ni Lagman, walang basehan ang pagpapalawig sa Batas Militar sa rehiyon sa ikatlong pagkakataon.

Dahil wala namang aktuwal na rebelyon sa kasalukuyan sa Mindanao na isang requirement ng konstitusyon.

Sinabi ng kongresista na umabot na sa halos 586 days ang duration ng Martial Law sa Mindanao.

At aniya ay masyado na itong matagal.

Hindi rin aniya maaring maging constitutional basis ang nais ng publiko na palawigin pa ang batas militar sa rehiyon.

Kung totoo ang patuloy na banta ng terorismo sa Mindanao ay ipinakikita lamang nito ang kabiguan ng batas militar sa rehiyon.

Dagdag ito sa pahayag ng opposition lawmaker.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *