Luka Modric

Soccer player Luka Modric, nasungkit ang Ballon D’Or sa unang pagkakataon

Sports

TINULDUKAN na ng soccer player na si Luka Modric ang sampung taong paghahari ng kaniyang mga rival na sina Cristiano Ronaldo at Lionel Messi.

Matapos masungkit ang tropeyo ng Ballon d’Or sa unang pagkakataon.

Iginawad kay Modric ang parangal nitong Lunes sa ika-63 pagpupugay ng Ballon d’Or sa mga outstanding football player.

Matatandaan din na itinanghal na FIFA Player of the Year si Luka Modric nitong Setyembre.

Dahil sa  pagkakapanalo nila ng Real Madrid sa  champions league.

At matapos  nitong tulungang makapasok ang Croatia sa World Cup Finals nitong July.

Kasama ding naparangalan ang Norwegian forward na si Ada Hegerberg na nakuha din ang una nitong Ballon d’Or trophy sa women’s division.

Habang iginawad naman kay Kylian Mbappe ang Raymond Kopa Trophy bilang pinakabatang footballer na nakapag-score sa World Cup Finals.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *