otoridad

Biktima ng kidnapping sa sulu, na-rescue ng otoridad

Regional

NA-rescue ng mga otoridad ang isang Indonesian national na biktima ng kidnapping sa Sulu.

Kinilala ni Western Mindanao Command (WestMinCom) spokesperson Lt. Col. Gerry Besana ang narekober na Indonesian na si Usman Yusuf, 35-anyos.

Ayon kay Besana, nakatakas mula sa kaniyang mga kidnappers ang biktima matapos magkaroon ng pagkakataon.

nabatid na dinukot si Yusuf ng mga bandidong Abu Sayyaf sa karagatan ng Sempornah, Sabah, Malaysia nuong Setyembre 11.

Sa paglaya ni Yusuf nasa anim na mga kidnap victims na lamang ang nasa kamay ngayon ng mga bandidong Abu Sayyaf.

Tatlo umano sa mga ito ay banyaga at tatlo naman ang Pilipino.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *