pantalan at paliparan

Mga pantalan at paliparan sa Cagayan, mahigpit na binabantayan ng PDEA

National News

MAHIGPIT na binabantayan ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga pantalan at paliparan sa Cagayan.

Sinabi ni Dir. Emerson Rosales ng PDEA-2, ito ay upang mapigilan ang pagpasok ng mga iligal na droga sa lalawigan.

Ayon kay Rosales, posible kasing gamitin bilang bagsakan at lugar ng transaksyon ng mga international drug syndicate ang mga pantalan at paliparan.

Kaugnay nito, bumuo ng inter-agency task unit na tututok sa lal-lo international airport sa bayan ng Lal-Lo at port of irene sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan.

Iginiit ng opisyal na ayaw ng PDEA na maulit ang nangyari sa Port of Manila.

Kungsaan ay naipuslit ang P6.4-bilyong halaga ng shabu mula sa ibang bansa.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *