North Greenhills

Shabu lab sa North Greenhills, San Juan City, sinalakay ng EPD

National News

SINALAKAY ng mga awto­ridad ang isang shabu laboratory sa Arthur Street, North Greenhills, San Juan City.

Isinagawa ang raid ng Eastern Police District (EPD) sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Danilo Cruz ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 152.

Ito ay laban sa isang drug personality na hindi muna pinangalanan.

Narekober ng pulisya sa laboratoryo ang mga sangkap at kagamitan.

Ito umano ay kayang gumawa ng tinatayang 30 kilo ng shabu sa isang one time complete process.

Ayon sa EPD, nag-ugat ang pagsalakay sa sumbong ng mga kapitbahay.

Anila, may naaamoy silang kemikal mula sa naturang bahay na nirerentahan ng isang lalaki.

Bigo naman ang mga awtoridad na maaresto ang tenant dahil wala ito nang isagawa ang raid.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *