Alona Alegre

Aktres na si Alona Alegre sumakabilang buhay na sa edad na 70

Showbiz

SUMAKABILANG buhay na ang dating sexy actress na si Alona Alegre o Maria Lourdes Salvador sa tunay na buhay sa edad na 70.

Ito ang kinumpirma ng kapatid nitong aktor na si Philip Salvador.

Ayon kay Philip, atake sa puso dala ng kaniyang sakit na asthma ang ikinamatay ni Alona.

Si Alona ay anak ng dating comedian-director na si Lou Salvador at LVN actress na si Inday Jalandoni.

Nagsimula ang kaniyang career bilang child star ng lumabas sa pelikulang “Tagapa-mana” noong 1955.

Nakilala rin ang dating aktres bilang isa leading lady ni Fernandor Poe Jr sa ilang pelikula gaya ng “Esteban”.

Mas lalong nagningning ang kaniyang showbiz career noong dekada 70 nang bumida ito sa mga pelikula.

Kabilang ang “Sa Bawat Pintig ng Puso”, “Hello Lover, Goodbye Friend” at “Kung Bakit Dugo ang Kulay ng Gabi”.

Nakaburol ang labi nito sa Marian Memorial Chapel sa Marcos Highway sa Antipolo City.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *