Bacoor

Ex-senator Bong Revilla, mainit na sinalubong ng Bacoor

National News

LIBO-libong kabitenyo ang nagkatipon-tipon sa Bacoor Gymnasium para sa pag-welcome sa bagong laya sa pagakkakulong na si dating Senador Ramon Bong Revilla Jr.

Nanguna sa pag welcome kay Bong Revilla ang kanyang maybahay na si Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla.

Kabilang ang kanyang anak na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla, at mga kamag-anak.

Naroon din si dating Cavite Governor Jonvic Remulla at iba pang mga local na opisyal ng Cavite.

Sa kanyang pagharap sa mga tao ay idinaan naman ni Mayor Lani sa pag-awit ang paglabas ng kanyang mga hinanakit sa sinapit ng kanyang asawa.

Kungsaan ay halos limang taong nakulong sa PNP Custodial Center dahil sa umanoy pagkakasangkot sa pork barrel scam ni Janet Lim Napoles.

Samantala sa isang interview, tinawag naman ng senador na isang bangungot ang kanyang pinagdaanan.

Ngunit nananatiling hindi malinaw kung kanya bang babalikan ang mga nagpakulong sa kanya.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *