PINALAWIG

Oras ng botohan mas pinalawig pa ng Comelec

National News

PINALAWIG ng Commission on Elections (Comelec) ng isang oras ang botohan sa May 13 elections.

Ito ay magsimula sa 6:00 umaga hanggang 10:00 ng gabi para sa May 19 midterm election.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, layon ng naturang hakbang na pagbigyan ang mga botante na makaboto.

Paliwanag ni Jimenez, na ang bawat vote counting machine ay nakakatanggap ng 1,000 botante.

Kaya tinataya nila na magkakaroon ng mahabang pagpila sa botohan.

Sa Comelec Resolution No. 10460, ang botohan ay idaraos mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.

Matatandaan na sa halalan noong 2016, ang botohan ay nagsimula ng alas-6:00 ng umaga at natapos ng alas-5:00 ng hapon.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *