Task Force

Pangulong Duterte, bumuo ng task force

National News

BUMUO si Pangulong Rodrigo Duterte ng National Task Force para tapusin ang local communist armed conflict sa bansa.

Nilagdaan ni Duterte ang Executive Order No. 70 noong December 4 subalit kanina lamang isinapubliko.

Sa ilalim ng E.O., ipinag-utos ng pangulo ang pag-adopt ng National Peace Framework para makamit ang “inclusive and sustainable peace” sa bansa.

Si Duterte ang magiging chairman ng task force.

Habang ang mga kalihim ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang vice-chairmen.

Miyembro ng CAFGU, bibigyan ng buwanang tulong pinansyal

IPINAG-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaloob ng buwanang tulong pinansyal sa mga miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU).

Tanging mga itinalagang CAFGU Active Auxiliary Service (CAA) members na lumabas sa roster na minentena ng AFP ang makatatanggap ng financial support.

Ito ay ayon sa ilalim ng Executive Order No. 69 na pirmado ng pangulo.

Gayundin ang mga nasa roster at na-appoint subalit kailangan pang sumailalim sa training.

Makatatanggap din ang mga ito ng pro-rated portion ng nasabing tulong pinansyal kapag nakumpleto ang kanilang pagsasanay.

Bilang panimula ay P7,000 ang ibibigay na financial assistance na sakop ang mga buwan ng Nobyembre at Disyembre ngayong 2018.

Magmumula ang pondo para sa dalawang buwan sa FY 2018 contingent fund.

Para naman sa mga susunod na taon, inatasan ang Department of Budget and Management (DBM) na pag-aralan at magpanukala ng mga hakbang.

Para pagkalooban ng buwanang financial support ang mga kwalipikadong C.A.A. member.

Taong 1987 nang buuin ang CAFGU noong nilagdaan ni yumaong Pangulong Corazon Aquino ang Executive Order No. 264.

Layunin nito ang “providing for the citizen armed force.”

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *