Saudi

Panibagong batch ng OFW mula sa Saudi Arabia, nakauwi na

National News

NAKABALIK na sa Pilipinas ang nasa 109 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Damman, Kingdom of Saudi Arabia.

Kabilang ang nasabing mga distressed OFWs na hindi pinalad sa nasabing bansa na makauwi sa bansa.

Sinabi ito ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III.

Pinagkalooban ang mga dumating na OFWs ng repatriation team ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng transportation assistance.

Kabilang ang temporary shelter sa kanilang pag-uwi.

Tumanggap din naman ang mga OFWs ng special financial cash assistance habang naghihintay na makauwi sa bansa.

Binigyan din sila ng cash assistance at livelihood package bago sila umuwi sa kani-kanilang lalawigan.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *