national costume

Catriona Gray, rumampa sa Miss Universe 2018 national costume suot ang ipinagmamalaking kultura ng Pilipinas

Showbiz

TAAS noong iniramapa ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2018 na si Catriona Gray sa national costume competition.

Ang kanyang kasuotan na may temang “magdiwang, lumaban, pagyamanin.”

Ayon sa mentor ni Gray na si Carlos Buendia Jr. at Fashion designer Jearson Demavivas, ang costume ni Gray ay mula pa sa mayamang kultura ng Luzon, Visayas at Mindanao o Luzviminda.

Ang suot na lantern ni Catriona ay mula sa pampanga na kilala sa paggawa ng parol na kumakatawan naman sa “magdiwang.”

Ang design nito ay hango naman sa Philippine Baroque Churches na ideneklarang Unesco heritage sites.

Ang body suit naman nito ay gawa mula sa visayas o “lumaban” kung saan tampok naman ang authentic ‘tattoo designs’ na ginamit naman ng mga ‘pintados’

Ang suot naman nito na knee-high boots na may authentic ‘headpiece & brass accessories’ ay mula naman sa mindanao na kumakatawan naman sa pagyamanin.

Ginanap naman ang naturang kompetisyon sa Nong Nooch international convention center in Pattaya, Thailand.

Nakatakda naman ang coronation night ng Miss Universe 2018 sa Bangkok Thailand sa December 17.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *