PNPA

Kadete ng PNPA, tuluyan ng pinatalsik matapos mabasura ang kanilang apela

National News

TALSIK na sa Philippine National Police Academy (PNPA) ang tatlong kadete na sangkot sa Oral Sex Scandal noong oktubre 6, 2018.

Ito ay matapos ibasura ng PNPA ang motion for reconsideration ng tatlo.

Ayon kay PNPA Director Chief Superintendent Chiquito Malayo, kulang sa merito ang inihaing MR ng tatlo.

Kaya naman pinagtibay nila ang pagpapatalsik sa mga ito.

Maari naman aniya umapela sa Philippine Public Safety College ang tatlong pinatalsik na kadete.

Matatandaang isa lang na kadete ang nag-utos sa dalawang plebo ng kahalayaan pero pinatanggal na rin ang dalawang nanood lang ng pang-aabuso.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *