IBINASURA

Mosyon na patawan ng Hold Departure Order si Trillanes, ibinasura 

National News

IBINASURA ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) ang mosyon ng prosekusyon na patawan ng Hold Departure Order (HDO) si Sen. Antonio Trillanes IV.

Para ito sa hiwalay nitong kaso ng inciting to sedition.

Nakasaad ang bigat ng manifestation at motion na inihain ni Asst. City Prosecutor Reynaldo Ticyado sa pagpapabawi ng request.

Ayon ito sa desisyon na inilabas ni Branch 118 Presiding Judge Rowena Nieves Tan.

Sa kaniyang mosyon, iginiit ni Ticyado na walang witness na tetestigo sa aplikasyon na kanilang inihain noon sa korte.

Para pagbawalan si Trillanes na bumiyahe sa labas ng bansa.

Matatandaan na pinayagan ng Makati RTC Branch 150 si Trillanes na makabiyahe patungong Europe at Estados Unidos.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *