Recto

Recto, inirokemenda ang hanggang 6 na buwang pagpapalawig ng Martial Law 

National News

IREREKOMENDA ni Senate Pro Tempore Senador Ralph Recto sa Senado ang anim na buwan na ektensyon ng batas militar sa Mindanao.

Sinabi ni Recto na nais nito ang 6 months extension.

Sa kabila na rekomendasyon ng AFP at PNP na isang taong ekstensyon ng martial sa rehiyon.

Naniniwala si Recto na sapat na ang anim na buwan na pagpapalawig ng batas military.

Para maayos ang problema sa New People’s Army sa Mindanao.

Samantala sinabi naman ni Senate President Vicente Tito Sotto III na kumpiyansa ito sa naging paliwanag ng mga security officials sa isinagawang security briefing.

Magugunita na hiniling ng AFP kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao.

Kung saan dapat dumuan ito sa Kongreso sa pamamagitan ng security briefing.

Para makumbinse ang mga mambabatas kung dapat pa bang magkaroon ng Martial Law extension sa rehiyon.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *