lalagdaan

Senador Ejercito, umaasa na lalagdaan ng Pangulo ang Universal Health Care bago magpasko

National News

Umaasa si Senador Joseph Victor Ejercito na lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naipasang Universal Health Care.

Sa panayam sa Senado ipinagmalaki ni Ejercito na naratipikahan na ng dalawang kapulungan ng kongreso.

Ang naturang panukala ay inaasahan ng Senador na magiging magandang pamasko para sa mga kababayan.

Aniya malaking tulong para sa kalusugan ng mga mahihirap na mga kababayan ang Universal Health Care Law.

Libre na ang pagpapa-check up at pagpapa-ospital sa lahat ng mamamayang Pilipino.

Inilahad din ni Ejercito magmumula ang pondo ng naturang panukalang batas sa PCSO, Pagcor, at Philhealth.

Maliban pa dito ang inaasahang karagdagang buwis sa Tabacco.

Dagdag pa ng Senador titiyakin nila ang sapat na pondo hindi lamang sa unang tatlong taon kundi sa mga taon ng implementasyon nito.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *