isiniwalat

Mga isiniwalat ni Rep. Andaya, dapat imbestigahan

National News

IGINIIT ni Senador Panfilo Lacson na dapat imbestigahan ng Kongreso o Office of  the Ombudsman ang isiniwalat ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr.

Sinabi ni Lacson na nakahanap ito ng kakampi sa katauhan ni Andaya.

Nang ibunyag nito na nakuha ng isang contractor lamang ang 30 flood control projects o government contracts.

Kungsaan nagkakahalaga ng bilyun-bilyong pisong halaga.

Nag-reak naman si Senador Sherwin Gatchalian sa pahayag ni Lacson.

Kung saan nagtataka siya kung paano nakuha ng contractor ang mga kontrata sa gobyerno at sino ang malakas na backer nito.

Magugunitang ilang ulit ng itinanggi ni Andaya na pork barrel ang mga alokasyon para sa pet projects ng mga kongresista.

Sa kanyang talumpati kahapon ay tinukoy ni Andaya ang contractor bilang Bulacan-based construction firm, CT Leoncio Construction and Trading.

Aniya ay hindi rehistradong korporasyon subalit isang single proprietorship na pag-aari ng isang Consolacion Tubuhan Leoncio.

Kabilang aniya sa mga nakuhang government contracts ng nasabing contractor ay sa mga lalawigan, kabilang ang Catanduanes at Sorsogon.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *