Human Rights

AFP at PNP, tiniyak na ang pagtataguyod ng Human Rights

National News

TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang pagtataguyod ng Human Rights sa panibagong isang taong ekstensyon ng Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay AFP Spokesman Col. Edgard Arevalo, malaking responsibilidad sa militar ang naturang hakbang para tapusin na ang rebelyon sa Mindanao at pigilan ang lawless violence sa ibang bahagi ng bansa.

Naniniwala naman si AFP Chief of Staff Lt. Gen. Benjamin Madrigal na nararapat lang palawigin ang batas militar sa rehiyon dahil sa kinakaharap nitong mga banta sa seguridad.

Sinabi naman ni PNP Chief Oscar Albayalde na itataguyod ng PNP ang karapatang pantao sa Mindanao.

Aniya, dahil sa ekstensyon makakaasa ang mga taga Mindanao ng isa pang taon ng kapayapaan at seguridad

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *