biker

Mga angkas biker, hindi muna huhulihin ng PNP-Highway patrol group

National News

HINDI muna manghuhuli ng mga angkas biker ang PNP-Highway patrol group.

Ayon kay PNP-HPG Director Chief Superintendent Roberto Fajardo.

Hinihintay pa nila ang official request ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) bago sila manghuli.

Kailangan muna aniya nilang makipag-ugnayan sa ahensya para malaman ang batayan, multa at iba pang kaparusahan sa panghuhuli.

Kahapon nang maglabas ng kautusan ang LTFRB sa mga enforcement unit na hulihin ang mga angkas biker at operators at i-impound din ang mga sasakyan ng mga ito.

Kasunod ito ng inilabas na Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema sa naging desisyon ng Mandaluyong City Regional Trial Court (RTC) na payagang mamasada muli ang ride-sharing service na angkas .

Sa isang pahayag, sinabi ng angkas na nasa 25,000 biker-partners nila ang mawawalan ng trabaho.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *