Sasampahan

PDEA, sasampahan na ng kaso ang mga sangkot sa pagkakalusot ng iligal na droga sa Cavite

National News

Sasampahan na ng kaso ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Department of Justice (DOJ).

Ang mga sangkot sa pagkakalusot ng kontrobersyal na magnetic lifters sa Cavite.

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na ihahain na nila ngayon araw ang kaso sa DOJ.

Hindi naman tinukoy ni Aquino kung kabilang sa kakasuhan sina dating Customs Chief Isidro Lapena at former PDEA Deputy Director General Ismael Fajardo.

Base sa ulat, si Fajardo ay dalawang buwan nang nawawala at maging ang pamilya nito ay hindi alam kung saan nagtungo ang dating PDEA official.

Matatandaan na ibinunyag ni dating Customs Intelligence Officer Jimmy Guban sa Kongreso na may ideya na si Fajardo tungkol sa magnetic lifters bago pa ito dumating ng Pilipinas.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *