angkas

Ride-sharing service na angkas, muling ipinahinto ang operasyon

National News

Muling ipinahinto ang operasyon ng ride-sharing service na angkas.

Ito ay matapos na maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema sa desisyon ng Mandaluyong City Regional Trial Court (RTC) branch 213 na payagang magkapag-operate muli ang angkas.

Ipinag-utos din ng kataas-taasang hukuman ang paghuli sa mga angkas biker.

Nobyembre 2017, sinuspinde ng LTFRB ang operasyon ng angkas dahil umano sa paglabag sa Republic Act 4136.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *