Siargao Island

Ilang establisiyemento sa Siargao Island, walang environmental compliance certificate – DENR

National News

NATUKLASAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ang umano’y walang Environmental Compliance Certificate (ECC) ang ilang establishments sa Siargao Island.

Ayon sa DENR-Caraga, nasa 133 business establishments gaya ng resorts ang walang ECC.

Dahil dito, binuo ng DENR ang Siargao Island Eco-tourism office upang imonitor at maresolba ang iba’t-ibang issues and concerns sa isla.

Nilinaw naman ni DENR-Caraga Regional executive Director Felix Alicer na may pending application ng ECC ang nasabing mga establisimiyento.

Iniiwasan ng mga opisyal ng DENR na masira ang Siargao na isa sa top tourist destinations ng bansa upang hindi magaya sa Boracay.

Ilan sa mga kinakaharap na problema ng Siargao Island ay kaugnay sa sound at hindi magandang sewerage system, water quality.

Dagdag pa nito ang carrying capacity ng bawat tourism spots ng Isla.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *