Maute-Isis

Isang miyembro ng Maute-Isis, arestado sa Caloocan City

National News

Arestado ang isang miyembro ng Maute-Isis sa barangay 176, Bagong Silang, Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si Jomar Labay alias Jumar Ibrahim na kabilang sa listahan ng “national most wanted person”.

Ayon kay CIDG NCR Regional Chief Police Supt. Arnold Thomas Ibay, nahuli ang suspek sa isinagawang operasyon ng CIDG at AFP.

Sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong kidnapping, serious illegal detention, at murder.

Si labay ay suspek sa pagpugot ng ulo ng dalawang manggagawa at pagkidnap sa apat na iba pa sa Butig, Lanao Del Sur noong 2016.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *