Makati Subway project

Makati subway project, isinapubliko na

National News

Ipinakita na sa publiko ang gagawing kauna-unahang Makati Subway project.

Sa isang ceremonial drilling, iprinisinta ni Makati City Mayor Abby Binay at ni dating Vice President Jejomar Binay ang isang scale model ng Intra-city Subway project.

Makakatulong umano ang nasabing proyekto sa pagpapabilis sa byahe sa mga lugar sa Metro Manila na kokonekta sa Subway project.

Kaya umanong magsakay ng hanggang dalawampu’t pitong libong pasahero kada oras sa bawat  direksyon ang makati subway.

Malaki ang maitutulong ng nabanggit na proyekto sa transport system lalo na sa libu-libong mananakay.

Gayunpaman upang hindi maabala sa matinding trapik na nararanasan sa Edsa at sa buong Metro Manila.

Inaasahang makukumpleto ang subway project sa taong 2023.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *